May isang binata
'Di ko malilimot
Magandang lalaki
Marangal kumilos
Ako'y sinulatan
Ingles at Tagalog
Nang basahin ko ang sulat
Ay parang kinahig ng manok.
Ang sabi, "I love you
Manalig ka at totoo
Forever ka at peks man
Hindi magtataksil sa 'yo.
My darling, O giliw
Kinakapos ang Ingles ko
Ngunit habang may buhay
Asahang I will love you so."
Hindi ko malimot
Ang liham kong natunghayan
Sa aking pagtawa
Ay sumakit ang aking tiyan
Binata mag-ingat
Kung mayro'n kang minamahal
Pagbutihin ang sulat
Upang hindi pagtawanan.