Liham Pangkaibigan
related material pages

 

Unang Liham

Ikalawang Liham

Ikatlong Liham

 

Grammar

Glossary

Liham Pangkaibigan
Glossary

Main Page

Email us

 

Tatlong Sulat

Unang Sulat

Mayo 20, 2001  

Mahal kong Tita Terry,  

Salamat at nakauwi ako sa Pilipinas ngayong tag-araw.  Mga sampung taon na rin ako sa Hawaii bago nakadalaw sa Pilipinas.  Nagkaroon kami ng reunion ng aking mga kapatid at ang kani-kanilang pamilya.  Makikita mo sa retrato ang aking Mamang (nasa gitna), 78 na siya, at ang aking Tiyo (nakatayo, katabi ng kanyang anak na lalaki) na 74 naman.  Masaya ako sa aming pagsasama-sama.  Nagkaroon kami ng kainan at retratuhan.  Halos mga dalaga’t binata na aking mga pamangkin. Ang isa nga ay may-asawa na.    Ang pinakamaliit na bata ay ang aking apo. Lara ang pangalan niya.   Cute, di ba?  Susulatan kita uli at iinggitin sa mga lugar na pupuntahan ko. Balak akong ipasyal ng mga kapatid ko.   Sana’y nasa mabuti kang kalagayan.                                                                                                  

Lagi,
Ruth

back

 

Ikalawang Sulat

Mayo 25, 2001  

Mahal kong Tita Terry,  

Nitong nakaraang dalawang araw, isang kaibigan ko ang nagsama sa akin sa isang paglalakbay sa Cavite at Batangas.  Sa Cavite, dinalaw namin ang Aguinaldo Shrine.

Ito ang bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo na ginawang museo noong 1998.  Ang tour ng buong bahay ay isang kakatwang karanasan para sa akin.  High tech ang mga gimmick nila na sumasariwa sa mga pangyayari noong rebolusyon ng 1898.  Maraming kuwarto ang mansion at may mga sikretong pintuan.  Sa balkonahe nito unang iwinagayway ang bandera natin.  Ang retrato ay nagpapakita ng rebulto ni Heneral Aguinaldo at sa likod ay ang bahay niya.

Pagkagaling naming sa Cavite, tumuloy kami sa Tagaytay.  Nananghali kami sa Josephine’s

at nagretratuhan sa may Bulkang Taal.  Maulap ang langit at medyo kulimlim kaya hindi masyadong maganda ang aming kuha. Ilang beses ko na itong nakita noon pero hindi kumukupas ang ganda niya. 

Mula Tagaygay, tumuloy kami sa Batangas.  Nagliguan ang mga kasama ko sa Bauang.

Nagkasya na lamang ako panonood ng kalmadong dagat at sa paglalakad-lakad sa may baybayin.  

Sulatan mo naman ako at sabihin mo kung ano ang gusto mong ipasalubong ko sa iyo.  Oks lang kahit ano, ‘wag lang ang Taal ang hihilingin mo.

Ingat,
Ruth

back

 

Ikatlong Sulat

Hunyo 2, 2001  

Dear Tita Terry,  

Kagagaling ko lang sa Subic!  Maganda pala roon.  Tumira kami sa isang cottage na malapit sa gubat.  Pinasyalan namin ang mga tabing-dagat, ang mga tindahang duty-free at ang iba't ibang kainab sa loob ng dating US Naval Base.  Pagkalinis-linis ng lugar.

Pumunta ako sa isang mataas-taas na pook sa loob ng tinatawag nila “jungle” at kumuha ng mga retrato.  Medyo kalbo-kalbo na rin ang gubat pero maraming mga baging.

Nanood ako ng demonstrasyon ng pagpapaapoy nang walang posporo, paghanap ng maiinom sa gubat, at pagluluto nang walang kagamitan kundi kawayan.

Huli kong pinuntahan ang butterfly farm.  Hindi naman gaanong marami ang mga paruparo roon.  Pero nakakatuwa.  Gaya nitong isang retratong inilakip ko.  Ano’ng sey mo?

Maikli lang ang sulat ko ngayon, napagod kasi ako sa biyahe.

Hanggang sa muli,
Ruth

back