Ang dyipni ay sadyang makulay na sasakyan. Bukod sa mga palamuting kabayo,
banderitas at magagandang dibuho sa katawan nito, marami ring nakasulat
na grapiti sa loob nito. Maaaring ito'y nagpapahayag ng obserbasyon sa
pang-araw-araw na buhay o pilosopiya sa buhay ng tsuper ng sasakyan.
Narito ang ilan sa popular na mga grapiti.
Basta may kabit,
May sabit.
Pwede kabit, Pwera sabit.
Pwede singit,
Huwag ipit.
Huwag kumaliwa.
Kung ikay papara dito sa may gitna,
Di ko ititigil kahit ka lumuha;
Pagkat kung mahuliy sino ang kawawa
Kundi itong tsuper,
tunay na binata.
Sexy libre, Pangit doble, Buntis triple.