Migrante: Filipina Maids in Hongkong
V. Reyes: Siguro mga anim-pitong taon kakaunti pa ang mga migrant workers dito. Dumami lang nitong mga panghuling taon. Habang dumadami- dumadami din ang problema. Eh noong una ang Hongkong government naman hindi handa para sa ganitong pandami ng tao. Hindi sila sanay sa magiging problema dahil ang kanilang kinasanayan lang ay ang problema ng kanilang kapwa Intsik dito sa Hongkong o Intsik na galing sa mainland. At saka ilang mga estrangherong naparito sa Hongkong. Nung dumadami na, yun namang mga employer dito dahil sa diperensya sa kultura, hindi rin sanay sa pagtrato sa Pilipino.
Sister: Yun nga madalas na daing ng girls?. "Ang trato sa amin katulong ka lang ganyan." Ang trabaho walang hinto. From early morning kung minsan hanggang hatinggabi, Pero hindi lahat ganyan. Inaano ko lang pangkaraniwan yan. May mga yung mga mas magadang pagtrato, yun ang more sa exceptional yon. Hindi ito pangkaraniwan.
K1: Itong oras dito sa Hongkong kung may 32 hours dun pa bumabagsak ang 1 day. Kasi sa atin sa Pilipinas, 24 hours lang ang 1 day. Pero dito parang ginagawa nilang 32 hours eh. Dolar nga ang sinasahod mo, dolar din ang trabaho mo. Yung amo ko... isang minutong nabakante ka, para siyang nalugi ng isang milyon eh. Gusto niyang i-keep busy ka all the time.
Cynthia: Sa kontrata kasi wala naman diyan for example 8 hour working day no. So hindi mo malaman kahit mag-complain ka kung mahaba o maigsi ang iyong oras sa pagtatrabaho... wala diyan. Kalimitan average of 12-15 hours yung kanilang pagtatrabaho. Tapos pagdating sa accomodation kasi sa kontrata meron yan. Dapat magpoprovide yung amo ng accomodation pero sa liit ng mga bahay doon. Yung private accomodation kalimitan hindi naman natutupad. Yung ibang mga katulong natutulog yan sa sala, sa kusina sa kainan na kailangan tapos na lahat yung mga aktibidades ng mga miyembro ng pamilyang pinagtatrabauhan niya bago siya makatulog. Or meron kaming mga kaso yung kanila bang tulugan ay parang cupboard sa ibabaw ng gas range. Wala naman yun mga cups, mga plates ang nandon naman yung sa koryente yung main switch ng koryente.
Jurge Targo: Nagsimula yung pagdami ng migranteng nagpupunta sa Hongkong o kahit saan mang bansa sa panahon ng tumitinding krisis pang-ekonomiya sa Pilipinas, no. Reflected yung economic crisis na nangyayri sa bansa sa primarily sa tatlong mga bagay no: Unang-una, ang hirap maghanap ng trabaho especially kung ang trabaho mo ay isang propesyonal no, college graduate, etc.
Ikalawa, mataas yung halaga ng mga basic commodities sa bansa. Nag-coincide din yung pagkaroon ng malaking role ng ating gobyerno regarding the manpower export program. Doon din nya idineklara na isang national policy ang manpower export program na kung saan may tatlong objectives: Yung una, ma-alleviate yung unemployment and underemployment problem sa bansa. Ikalawa, ma-ease yung balance of payment problem ng bansa at ikatlo, makapag-generate ng skills.
POEA: Hindi natin pwedeng sabihin na, you know, na heto ay talagang masigasig na programa ng gobyerno na palabasin natin ang mga manggagawa. Kaya internment, it has never been considered although this is the first time under the new constitution. Pinapalakas yan, at dapat bigyan ng pansin ang ating mga overseas worker. Pati sa medium development plan ng NEDA, nakalagay don ang contribution ng overseas employment program. Kasi hindi mo maaalis eh, sa gusto, sa ayaw natin nakabigay tayo ng tulong. At least sa ngayon mga isang milyong Pilipino. Kung sigurong nandito ngayon baka walang trabaho.
Pangalawa, parang as a side effect don nakakatulong sila sa build-up ng foreign exchange na pwede naman itong gamitin para mas maging productive, mas ma-generate, mas-stimulate ang ating local employment para naman yung ating national recovery efforts, you know, kung maging successful yan in the next five years, baka after 5 years hindi na tayo kailangan magpadala ng ano. We can now command the price... kung gusto ninyo bayaran kami, kung ayaw 'nyo, e 'di huwag na. Kasi meron kaming alternative dito sa aming sariling bansa. Pero habang wala tayong alternative, then we’ll go with supply in demand.