related material pages


Back

 

Index

 

Next

Pagluluto Glossary

Main Page

Email us

*All video clips were created in QuickTime. You can get a free download of the latest version of QuickTime from Apple.com


TRANSCRIPT

Pagluluto ng Embutido

G:        Ipakikita ko sa inyo ang pagluluto ng imbotido. Isa ito sa mga paborito kong ulam at paborito rin ng maraming Pilipino sa pang-araw-araw na kainan o mga espesyal na handa.      

            Kabilang sa mga sangkap ang:

1 kilong giniling na baboy

1 pirasong sibuyas

1 pirasong chorizo bilbaw na hiniwa ng pino

100 gramo ng pasas

100 gramo ng pickled ....?

4 na itlog

1 tasang ginadgad na keso

3 kutsarang margarino

at siyempre ang pinong asin o iodized salt

at pinong paminta

            Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap. Paghalu-haluhin ng mabuti. Ilagay ang asin at pinong paminta. Pagkaraan, ibabalot salo sa foil ang bawat tasa ng tinimplang giniling. Ang lahat ng ito ay makakabuo ng 5 balot na imbutido. Kapag nabalot na ang lahat ng ito, pasingawan.

            Pasingawan hanggang 30 at 40 minuto. At tingnan ninyo ang masarap na imbutidong maaaring iahin, pasko man o piyesta.