Basahin ang isang sulat ng pagtanggi
Mayo 12, 2000
Mahal kong Tim,
Natanggap ko ang sulat mo na humihiling na maging ninang ako sa kasal ninyo ni Nida sa Hulyo 14. Maligayang
bati sa balitang ito. Natutuwa rin akong malamang napili ninyo akong
maging ninang dahil nangangahulugan iyan ng pagiging malapit ninyo sa akin. Gustung-gusto ko sanang maging
ninang ninyo pero wala ako sa Hawaii sa petsa ng inyong kasal. Ako'y
may komperensiya sa University of Wisconsin sa Madison, Hulyo 13-14.
Hindi maaaring mawala ako sa komperensiyang iyon dahil ako ang mangangasiwa Kung payag kayo, hahanap ako ng proxy. Samakatwid,
maaari pa rin akong maging ninang ninyo kahit wala ako sa seremonya.
Kung problema ito (sana'y hindi), pumili nalang kayo ng ibang ninang.
Hindi ako magtatampo. Mauunawaan ko. Tumawag ka na lang o mag-email anuman ang mapagkasunduan ninyo ni Nida.
Hanggang sa muli,
Tita Ruth