related material pages

 



Back


Index

 

Next

 

Grammar

Glossary

Pakiusap Glossary

 

Main Page

Email us

 

*All video clips were created in QuickTime. You can get a free download of the latest version of QuickTime from Apple.com


Transcript

K: Eh ma’am ayoko ho sana kayong abalahin pero wala na po akong malapitan eh.

M: Ano bang sadya mo iha?

K: Eh kasi po, nahihiya man ako pero noong nakaraang linggo ho... yung tatay ko nagkasakit. Eh, pina-ospital ko po. Malaki po ang mga nagastos ko. Tapos ngayon naman ho naputulan ako ng ilaw. Eh wala ho akong maibayad. Naisip ko po sanang manghihiram ako sa inyo ng limang libo.

M: Nako iha... eh wrong timing kasi pasko kahapon. Katakot-takot na tao ang nagpunta sa bahay ko at saka mga inaanak alam mo naman. Mga anak ng kapatid, anak ng kaibigan at kung sinu-sino pa. Eh wala akong maipahihiram sa iyo. Gusto man kitang pahiramin. Eh kung kaya... baka naman sa katapusan ng buwan pwede ba?

K: Eh kasi po ma’am iniisip ko po sana kung mapapahiram ‘nyo ko. Sa katapusan ng buwan ko nga po maibabayaran sa inyo kasi... alam namang may bata ako sa bahay. Talaga hong kailangan na kailangan ko nga ho ang ilaw eh.

M: Naku Ephree, kawawa ka naman. Eh ano kaya kung... baka pwedeng maikausapan ang iyong mga kapitbahay ano? At baka makabitan ka ng koryente at sabihin mong babayaran na lang sa katapusan ng buwan.