related material pages



Back

 

Index

 

Next

 

Main Page

Email us

*All video clips were created in QuickTime. You can get a free download of the latest version of QuickTime from Apple.com

TRANSCRIPT

Tradisyon ng Piyesta

L: Kapansin-pansin na nakapangingibabaw ang mga kanluraning pagpapahalaga sa mga pananaw na pinaniniwalaan nating tungkol sa ating mga kaugalian. Nariyan yung pamimintas natin sa tradisyon ng piyesta.

Dr. E: Totoong ang Pilipino ay may malapit na damdamin sa mga kasayahan. Pero para sabihin natin ang piyesta ay uniquely o inheritly Pilipino eh, ewan ko kung totoo yan. Kagagaling ko lang sa Japan. Sa Japan, araw-araw din marami silang piyesta. Hindi naman natin masasabi kaya hindi umuunlad ang Pilipino dahil sa mga piyesta. Ang Japan naman maunlad. Kaya ang napansin ko sa atin kagaanan ng loob sa pagkakasiyahan ay mabilis nating tinatanggap.

Pagka-kasi nakasakay tayo sa bus, tapos nasira yung bus, maraming mga dayuhan sabihin "Bakit di nyo inaayos yan? Bakit di nyo chi-neck?" Eh ang Pilipino maaring mag-complain sandali, pero maya-maya kukunin niya yung kanyang gitara, tutugtog na yan... magsasaya. Alam natin makipag-ugnay sa takbo ng buhay, sa higit na kasiya-siya at magaan na paraan. Siguro isa nating magandang katangian yon sa ngayon. Sapagkat hindi naman totoong madali ang buhay. Kung mahirap na nga, pahihirapan pa natin ang ating kalooban?

L: Kaya ang piyesta sa atin ang spice of life at kaya nangingilik ang ating kultura dahil sa ating mga celebrations na to.

Dr. E: At dapat iwasan yung labis na paggasta pagka-fiesta.

L: Which means to the question ho yung mga pagkaing Pilipino, nakikita naman natin na maski medyo naghihirap ho ang isang pamilya. Pero kung sila ay magpa-party at magpepiyesta ay ilalabas lahat ng kanilang inipon ay ibibila nila para lang makapagsilbi ng masarap at maraming potahe sa mga bisita.

L: Ano ba ang "nature" ng Pilipino tungkol sa pagkain? Bakit pag-naghahanda siya ay napakarami at sabay-sabay? Ito ba’y natatanging ugali natin?

Dr. E: May dahilan kung bakit tayo naghahanda nang ganyan. Ito’y isang pagkakataon para tayo ay magsama-sama di lamang mga kaibigan kundi pati mga kamag-anak na matagal nang di nakikita. Sa piyesta, hindi na kailangang anyayahan ang mga tao. Sa probinsya pagka may piyesta, nagdadala sila ng maaaring gamitin sa paghahanda. Tulong na rin ito sa naghahanda... Ang kailangan lang ay iwasan ang labis na paggasta. Pero ang kaugalian ay di dapat tanggalin sa ating mga Pilipino.