related material pages

 



 

Back

 

Index

 

Next

 

Grammar

Glossary

Reklamo Glossary

Main Page

Email us

 

Mayo 29, 2001

Shoemart, Inc.  
1440 E. De Los Santos Avenue  
Mandaluyong, Quezon City   
Atensyon: Customer Service Department   

Mahal na Ginoo/Ginang/Binibini:   

Natanggap ko po kanina ang dalawang pares ng sapatos na inorder ko sa pamamagitan ng koreo.  Mainam po sana’t tamang istilo at kulay ang ipinadala ninyo, pero mali ang sukat. Sukat sais-medya ang inorder ko pero siyete yata ang nadeliber dahil malaki sa akin. Ibinabalik ko po ang sapatos sa isang hiwalay na pagpapadala sa koreo.

Mangyari sanang palitan ang mga sapatos ayon sa sukat ng hinihingi ko, at kung hindi man, ikansela na   lamang ang order.  Sakali namang ikakansel a ninyo ang order, inaasahan kong ibabalik ninyo ang bayad.  

Kung nais ninyo akong kausapin hinggil sa bagay na ito, matatawagan po ako sa telepono (245) 574-1200 kung araw, at sa (245) 544-3233 kung gabi. Inaasahan ko po ang inyong maagap na pagtugon sa bagay na ito.   

Lubos na sumasainyo,   
Marcelo De Los Reyes