related material pages



Back

Index

Next

 

Grammar

Glossary

Sisa Glossary

 

Main Page

Email us

 

Si Sisa

1)         Dating maganda at kabigha-bighani si Sisa na mababakas pa sa bukas ng kanyang mukha. Mapupungay ang kanyang mga pilik bukod sa mahahaba. Wasto ang hubog at tangos ng kanyang ilong, at bagaman may kaputlaan ang mga labi’y may kaaya-ayang hubog. Wagas na kayumanggi ang kanyang kulay at maririkit ang kanyang mga matang kaaaninagan ng kanyang malinis na kaluluwa. Bata pa siya, ngunit ang gutom at pagtitiis ay unti-unting nagpapahumpak sa kanyang pisngi. Ang malagong buhok na dati’y pinupusod ay yanung-yano pa rin bagaman wala nang ipit o suklay.

2)         Naging trahedya ng babaing ito na nakapag-asawa ng isang tamad at walang-pusong lalaki. Habang nagsusumakit siyang maghanapbuhay na kasama ang kanyang mga anak, ang lalaki’y palakad-lakad at pasabung-sabong. Bihira silang magkita ngunit bawat pagkikita nila’y pagdurusa, sa kanya at mga anak. Unti-unting ipinagbili ng lalaki noon ang kanyang mga hiyas upang matustusan ang masasamang bisyo. Ngunit nang wala nang makuhang mapagkakaperahan ay natutuhang pagbuhatan ng kamay ang kabiyak. Sapagkat marupok naman at mahina ang puso, walang isinasagot si Sisa sa lahat ng ito kundi ang pag-iyak. Mahal niya nag kanyang asawa, sa ganang kanya, isa itong diyos na makapangyayari. Ang mga anak naman niya, sa kabilang dako, ang itinuturing niyang mga anghel. Dahil natatanto ito ng asawa’y nagmamalabis naman at pinangangatawanan ang kanyang pagdidiyus-diyusan. Lalong nagiging malupit habang lumalaon, lalong nagiging asal-hayop habang sinusunod ang baling masamang maisipan.

3)         Sa maghapong iyon, natigib ng kasabikan ang puso ni Sisa sa pag-aasam na makita ang mga anak. Batid niyang uuwi ang mga bata at ninasa niyang sorpresahin ang mga ito kaya naghanda ng di pangkaraniwang hapunan. Bumili siya ng dalawang kuwaltang tawilis at pumitas ng magagandang kamatis na alam niyang maiibigan ni Crispin. Mula kay Pilosopong Tasyo, nanghingi siya ng pindang na baboy-ramo at isang hita ng patong bundok na paborito ni Basilio. Maputing bigas din ang kanyang sinaing na ani niya sa bukid.